Pagbubuo ng Salita sa Gay Lingo
Tulad ng anumang wika, marami ang paraan ng pagbuo at pagpayaman ng leksikon ng salitang bakla tulad halimbawa ng pagkabit ng afiks. Maliban sa mga afiks na nagtataglay ng keys at mga semantik na afiks, maraming mga afiks na maaraing ikabit na hindi magbabago ang kahulugan ng salitang kinakabitan. Ang mga afiks na ito, hindi nagtataglay ng karagdagang kahulugan. Ikinakabit lamang ito upang lalong maging mas makulay ang mga salita para lalong hindi maintindihan ng mga taong hindi kabilang sa grupo.
Ang mga sumusunod ay ang iba't ibang paraan ng pagbuo ng salita sa Gay Lingo:
Pagkabit ng afiks
sayt + -in + (sung) > sinayt/sinaytsunng `tiningnan'
tanders + -um + (ever) > tumanders/tumandersever `tumanda'
wit + chikels > hindi
Ang `sung' ‘ever' at ‘chikels’ ay opsyonal. Maari itong ikabit bilang afiks ngunit hindi ito nagtataglay ng karagdagang kahulugan.
Sabstitusyon
Ang sabstitusyon ay ang pagpapalit ng isang tunog o segment ng isang salita ng ibang tunog o segment. Ito ay karaniwang consonant sabstitusyon.
q, k, h > j
qinit jinit
kili-kili jili-jili
hirap jirap
p, b > sh
Panghihiram
Ang pangahihiram ay likas sa bawat wika. Ang salitang bakla ay humihiram din sa ibang mga wika ditto sa Pilipinas at maging sa labas ng bansa tulad ng wikang Hapon, Ingles, Instik, at Espanyol.
May dalwang paraan ng panghihiram:
Una, ang panghiram ng buong anyo at kahulugan,
Pangalawa, ang panghiram ng anyo subalit iba ang kahulugang ikinakabit.
Mula sa wika dito sa Pilipinas:
Mula sa mga wika sa labas ng Pilipinas:
Akronims
Reduplikasyon – ang paguulit ng salita o bahagi ng salita
ng isang salita sa halip ng pinalitan.
Pagkakaltas
Metatesis – ang pagpapalitan ng ayos ng tunog o segment sa salita
Katunog
Paggamit ng mga pangalan ng mga sikat na lugar at personalidad
Ang paggamit ng mga pangalan ng mga sikat na lugar o personalidad, karaniwang artista, ay batay sa pagkakahawig ng tunog kung kaya't dapat ang kategoryang ito ay nakapaloob sa bilang 9, subalit, minarapat na ihiwalay ito sa kadahilanang malaki ang nasabing kategorya.
Onomatopeya
Pagamit ng mga Metapor
Iba pang halimbawa ng mga salitang ginagamit sa Gay Lingo:
Tulad ng anumang wika, marami ang paraan ng pagbuo at pagpayaman ng leksikon ng salitang bakla tulad halimbawa ng pagkabit ng afiks. Maliban sa mga afiks na nagtataglay ng keys at mga semantik na afiks, maraming mga afiks na maaraing ikabit na hindi magbabago ang kahulugan ng salitang kinakabitan. Ang mga afiks na ito, hindi nagtataglay ng karagdagang kahulugan. Ikinakabit lamang ito upang lalong maging mas makulay ang mga salita para lalong hindi maintindihan ng mga taong hindi kabilang sa grupo.
Ang mga sumusunod ay ang iba't ibang paraan ng pagbuo ng salita sa Gay Lingo:
Pagkabit ng afiks
sayt + -in + (sung) > sinayt/sinaytsunng `tiningnan'
tanders + -um + (ever) > tumanders/tumandersever `tumanda'
wit + chikels > hindi
Ang `sung' ‘ever' at ‘chikels’ ay opsyonal. Maari itong ikabit bilang afiks ngunit hindi ito nagtataglay ng karagdagang kahulugan.
Sabstitusyon
Ang sabstitusyon ay ang pagpapalit ng isang tunog o segment ng isang salita ng ibang tunog o segment. Ito ay karaniwang consonant sabstitusyon.
q, k, h > j
qinit jinit
kili-kili jili-jili
hirap jirap
p, b > sh
- maputiq mashutiq
- buhok shuhok
- anak junak
- tae boe
- takot bokot
- tao bo-o
- damot kiyomat
- tanda shonda
- asawa nyosawa
Panghihiram
Ang pangahihiram ay likas sa bawat wika. Ang salitang bakla ay humihiram din sa ibang mga wika ditto sa Pilipinas at maging sa labas ng bansa tulad ng wikang Hapon, Ingles, Instik, at Espanyol.
May dalwang paraan ng panghihiram:
Una, ang panghiram ng buong anyo at kahulugan,
Pangalawa, ang panghiram ng anyo subalit iba ang kahulugang ikinakabit.
Mula sa wika dito sa Pilipinas:
- gurang matanda Bikol
- dako malaki Hiligaynon
- balay bahay Cebuano
Mula sa mga wika sa labas ng Pilipinas:
- otoko lalaki Hapon
- takeshi takot Hapon
- fly alis Ingles
- sight tingin Ingles
- mujer babae Espanyol
- hombre lalaki Espanyol
Akronims
- GL ganda lang `libre'
- OPM oh promise me `sinungaling'
- PG pa-girl `parang babae kung kumilos'
- PK pang-alis kati `pwede na'
Reduplikasyon – ang paguulit ng salita o bahagi ng salita
- chika chika-chika `usap-usap'
- chuchu chuchuchuchu walang kahulugan
- chenes cheneschenes walang kahulugan
ng isang salita sa halip ng pinalitan.
- bombilya/bangkok santol/notes `seks organ ng lalaki'
Pagkakaltas
- ma malay ko
- pa pakialam ko
- wa wala
- dedma patay(ded) mali
Metatesis – ang pagpapalitan ng ayos ng tunog o segment sa salita
- anda > daan `pera'
Katunog
- noselift knows `alam'
Paggamit ng mga pangalan ng mga sikat na lugar at personalidad
Ang paggamit ng mga pangalan ng mga sikat na lugar o personalidad, karaniwang artista, ay batay sa pagkakahawig ng tunog kung kaya't dapat ang kategoryang ito ay nakapaloob sa bilang 9, subalit, minarapat na ihiwalay ito sa kadahilanang malaki ang nasabing kategorya.
- Baliwag `baliw'
- Morayta `mura'
- Hairora Boulevard `buhok'
- Gourgina Wilson `gorgeous'
- Boogie Wonderland `bugbog'
- Ting-ting Cojuanco `payat'
- Julanis Morisette `ulan'
- Luz Valdez `talo, lost'
- Gelli de Belen `selos'
- Givenchy/Janno Gibbs `bigay, to give'
Onomatopeya
- krug/tagag/watag `sintol, batok'
- Kumokokak ‘nagsasalita’
Pagamit ng mga Metapor
- bukas na karendedrya `may nakabukakang lalaki sa may malapit'
Iba pang halimbawa ng mga salitang ginagamit sa Gay Lingo:
- 48 years, 50 Golden years, 10, 000 – super tagal
- Aga Mulach – maaga
- Aida Macaraeg – AIDS
- Alma Moreno – Alumuranas
- anda,andalucia,anju,Anjo YllaƱa, ades - pera,datung
- anik - ano
- ansya, aning-aning, pransya, pringles, anita linda, Lukresha Kasilag – baliw
- atak,gorah – pumunta, go
- balaj - balahura, dautero, bakla
- balay, balaysung – bahay (Iluko word for bahay)
- bet, betsung, betsive, betchiwariwariwaps – gusto
- Bitter Ocampo - bitter, malungkot
- borlog - tulog
- bubistri of culture, bobita jones, bobita salonga, bobonika plague – bobo
- b.y, byola, gwash, super-keri - gwapo
- Mabyonda - maganda
- carry, keri, cash & carry - sige, okay, alright
- Cathy Santillan,Kate Gomez,Cathy Mora – makati
- chaka - pangit
- Pak - wow! (ekspression)
- char,charot,charing,charbroiled - kabaligtaran ng keri
- chimini – kasambahay
- chipipay, chipangga, chipanggarutay – cheap
- chova,chovaline kyle - chika lang
- clasmarurut,klasmarurut - classmate
- Cookie Chua,Cookie Monster - magluto
- Crayola Khomeni - iyak
- Cynthia - hindi kilalang babe, pwede ring lalaki (as in "sino sha?)
- Dakota Harrison,Dakila,Daks - malaki
- Douglas MacArthur – aso
- dugyot - yagit,madumi
- echoz – isang pagsisinungaling
- echozera – isang sinungaling
- emote - mag-inarte pa rin
- enlababo,kukuru-itaynes – in love
- entourage, enter - pasok
- epal - pumapel kahit hindi welcome
- fatale - sobra, to the max
- fly – alis
- gibsung – bigay
- GL – libre
- Gourgina Wilson –gorgeous, maganda
- hipon – maganda ang katawan pero pangit ang mukha
- imbey,im - imbyerna, irita, inis, banas, asar
- iskuala lumpur,iskuwey,iskuwating – iskwater
- jaguar- gwardiya
- jologs,dyologs - basura, iskwaking, iskwakwa, squatter
- jowa, jowabelles, jowabella, nyowa, bowa, bowawits - karelasyon, BF o GF
- jubis, juba – taba
- Julanis Morisette – ulan
- jutay – maliit
- karir,career - lumandi, kumiri
- kiao, kiaw- thousand
- Kyawti - panget
- krefaz, fez, fezlak - mukha
- lafung, lafang, lafesh, lafs, lafez, laps - kain, lamon
- lapel – malakas ang boses
- leptolelang, lapchukan – "making out", torrid kissing
- Luz Valdez,Lucila Lalu,Luz Clarita - talo, loser
- Moody Diaz – moody
- Morayta - mura
- Mahalia - mahal
- nomu, berang, berangjju – (v.) paginom,uminom ng alcohol, (n) alcohol
- noselift, knowssung – alam
- notes, nota – seks organ ng lalaki
- otoko, otoko bells, shotoko, shotokobells – lalaki
- Pocahontas - nang-indyan
- pagoda tragedy, pagoda cold wave lotion, ngaraggedy anne – pagod
- Payatolo Khomeinie,Payatas, payatola – payat
- Payola, paysung - bayad
- queber,keber,kebs - walang pakialam, paki ko
- qitrix, ites, itey - ito
- rampage - rampa
- Rita Avila,Rita Magdalena, Imbeynadette Sembrano - banas, irita, imbey
- sight,sayt - tingnan
- Simeon - hindi kilalang lalaki, pwede ring babae (as in "sino 'yon?")
- subey, suba, bugarette, subaratchi – yosi
- thundercats,tanders – matanda sa iyo
- tikbalang - tibak, aktibista
- tommy abuel, Tom Jones, Tommy Hilfiger, tomtoms, jutomis – gutom
- utaw,jutaw – tao
- vaketch – bakit
- warla – away, masama
- wit,wiz,witchelles,witteles, witchikels – no, hindi
- zirowena – zero, wala
i really like it
ReplyDeleteI appreciated your effort upon studying gay lingo
It rally help in doing my research about this article!
nkktuwa kz wla nmn ngtuturo ng gn2ng linguahe pero
ReplyDeletengkkintindhan cla hehe,,
...may sense of hunur kasi hehehhe...
Deletesens of hunur? gay lingo dn ba yun ?hahaha
DeleteThank you po sa help...marami po kasi akong friends na bakla. Wala po akong masyadong alam na gay lingo since I only returned in the Philippines recently. Pag nagsasalita po sila ng beki, di ko na alam ung sinasabi...pati nga ung mga babae, alam nila. Ako lang ang girl na hindi alam.
ReplyDeleteThanks! kasi dami ko natutunang mga gay linggo...
ReplyDeletenatawa ko sa MALAPIT NA KARINDERIA :)
ReplyDeleteassignment namin to eh!!
ReplyDeletePak! winner na winner! i-publish na itey!
ReplyDeleteBakit hindi to tinuturo sa School..Amp!
ReplyDeletetinuturo actually. It's my report as a student majoring literature and linguistics. kaya aq narito. haha! super fun ang aming mga topic. ^^
Deletesolomot po. nakahelp ng bongga itey sa article na sinusulat ko ... mejo nahahawa na nga ako .... hahahaha
ReplyDeletesuper educational... maraming salamat sa post na ito
ReplyDeletehi. i think the contents above are from "Salitang Bakla: Makapangyarihan? Mapagpalaya?" written by Eufracio Abaya at Jesus Federico C. Hernandez
ReplyDeleteThis comment has been removed by the author.
ReplyDeletenice pati nga d2 mga arabo alam na ang ibang gay lingo.
ReplyDeleteThis is really Helpful may ginagawa kasi akong Story tungkol sa Hater na Bakla salamat sa Gay Lingo ^_^
ReplyDeleteano naman po ang (nasa parke) pag bakla ang salita...
ReplyDeletenakakatuwea nman ang gumawa nitong blog na to i liked
ReplyDeletesa susunod sana may blog na pwedeng i search ung mga gay lingo then pwede ring mag kontribute and viewer,,,
ReplyDeletealiwa akels....ihhh...hahahaha dami ko taw ....harharhar.....dami na tlgang mga salitang pang alien...
ReplyDeletepwede po gumawa ka po ng paragraph na ang gamit ay gay words. pls lng po.
ReplyDeleteHad fun in reading this article. Pak na pak! :-P :-D
ReplyDeleteanyone po na marunong ng pinoy gay lingo at marunong din ng nihongo...willing mainterview for school paperworks purposes only...pakibigay lang po ang email address or fb account...thank you :D
ReplyDeleteHi ! can i ask 1 sentence for this language ? i badly need this for my fil subject . thankyou so much . godbless :) please note the translation also. thankyou! :) i owe you for that! :)
ReplyDeleteHi! Hindi ba ito ay teksto mula sa papel-pananaliksik nina Prop. Tuting Hernandez at Dr. Eufracio Abaya ng UP Diliman? Pinamagatang "Salitang Bakla: Makapangyarihan o Mapagpalaya?" na binasa sa Philippine Linguistics Congress sa UPD. Maaari po bang mailagay ang tamang citation at/o hingan ng pahintulot ang mga may-akda (Hernandez at Abaya) na mailathala ito sa inyong blog? Maraming salamat po!
ReplyDeletelab it
ReplyDeleteHello, ikaw ay naghahanap ng karagdagang pera? Signup ng libre at magsimulang kumita.
ReplyDeletehttp://www.clixsense.com/?8172285
http://areyousearchextramoney.blogspot.cz/
My name is Sonja McDonell, 23, Stewardess Swiss Airlines. I am a lesbian and very tender with a lot fantasies, also in my wonderful job. I want to meet philippinas in my vacations.
ReplyDeleteSonja sonjamcdonell@yahoo.com